Apat na taon na ang nakalipas ng kunin ng Maykapal ang mahal kong inang. alam kong sa edad na yun ni inang at sa dami na rin n'yang naramdaman sa kanyang katawan ay tanggap na rin namin ang kanyang paglisan.
Naaalala ko lang ng panahon n siya ay nabubuhay. Mahal na mahal ako ni Inang wala siyang hindi gagawin para kami ay tulungan.
Inang alam kong kapiling ka na ng Maykapal, nais kong magpasalamat sa pagmamahal na walang sawa mong inialay sa amin. Patawad inang sa mga kamalian na nagawa ko sa iyo. Pangako inang gagawin ko sa aking mga anak at asawa ang pinaramdam mo na pagmamahal, dahil batid ko na mas lalo kang magiging masaya sa kinaroroonan mo ngayon kong makikita mo na tinatanim ko ang pagmamahal na itinuro at ipinadama mo sa aming lahat na magkakatid.
Muli inang salamat.
Mahal na mahal kita.
No comments:
Post a Comment